Kinumpirma ng Kongreso, may paraan pa… ABS-CBN, tuloy kahit mag-expire ang prangkisa sa March, 2020!
- Ador Saluta
- Feb 8, 2020
- 2 min read

Habang papalapit na ang Marso, maraming nag-aabang kung mari-renew ba ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay House Legislative Franchises Committee Chairman Franz “Chikoy” Alvarez, inuuna ng kanyang komite ang mga mas importanteng panukala bago ang 10 panukalang batas na naglalayong mabigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.
Hindi rin malinaw kay Palawan Cong. Alvarez kung kailan nila ise-set sa Kongreso ang pagdinig sa proposed bills sa franchise renewal ng TV network.
Sa kabilang banda, hinihikayat ng Makabayan bloc ng Kongreso ang Legislative Franchises Committee na talakayin na ang mga panukalang batas patungkol sa prangkisa ng broadcast giant. Kamakailan lang, inihain nila ang House Bill 6052 na naglalayong mabigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon.
Dagdag pa ni Bayan Muna Cong. Carlos Zarate, “Nakita naman natin kahapon na napakabilis na ipinasa ang mga prangkisa, application for franchise and renewal.”
May halos isang buwan na lamang ang Kongreso para matalakay ang franchise renewal bills bago mag-summer break sa March 14.
Sa March 30, 2020 mag-i-expire ang 25-year franchise ng ABS-CBN. Ayon naman kay Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, kapag hindi nai-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, maaaring magbigay ang
Kongreso ng provisional franchise upang makapagpatuloy na makapag-broadcast ang ABS-CBN hanggang sa makakuha sila ng legislative franchise. Aniya, “There can be a provisional authority that can be authorized by Congress to the National Telecommunications Commission, which has jurisdiction over broadcast media.”
Ayon pa kay Rodriguez, maaaring magpatuloy ang digital operations ng ABS-CBN pero dapat ay magbago ito ng pangalan. Si Cong. Rodriguez ang author ng House Bill No. 5705, na naglalayong mabigyan ng bagong legislative franchise to broadcast ang Kapamilya Network.
Noong January 22, nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano na tatalakayin na sa Kongreso sa unang linggo ng Pebrero ang franchise applications. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin naisasalang sa Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal bills ng ABS-CBN.





Comments