Fruitas, 18 ryrs. na, target umabot sa 2,000 branches
- Thea Janica Teh
- Feb 8, 2020
- 2 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Malamig man ang panahon ngayon, tayong mga Pinoy ay hindi natitinag uminom ng shake lalo na kung ito ay gawa sa fresh fruits tulad ng sa Fruitas!
Kaya naman, minarkahan kamakailan ang ika-18 anibersaryo nito sa pagbibigay ng refreshment sa ating buhay!
Kasabay ng kanilang anibersaryo ang pag-aanunsiyo ng dalawa nitong acquisitions. Ang Fruitas ay nakakukuha ng 100% sa outstanding shares ng SoyKingdom, Inc, privately-held corporation at nakapailalim dito ang The Tofu Store brand na kilala sa kanilang soy bean-related products.
Ang subsidiary ng Fruitas, ang Negril Trading, Inc. na operator ng De Original Jamaican Pattie Shop at Juice Bar ay kumukuha ng asset sa Kuxina, stall concept na nag-specialize sa pag-serve ng Filipino dishes.
“Ang 18 taon natin sa kiosk business ay patunay na may kakayahan tayong gumawa ng bago at kilala na nalalagay natin sa ating portfolio na nagpapatibay sa samahan nating mga Pinoy sa araw-araw. Ipinapangako naming lalo pa nating pagtitibayin ang mga kilala na at bagong brand na pasok sa traditional at contemporary Filipino food and drinks”, bahagi ni Fruitas President and Chief Executive Officer Lester Yu.
Makikita sa Little Baguio, San Juan at Sta. Mesa Heights, Quezon City ang The Tofu Store kung saan nag-aalok sila ng soy milk, taho, tofu at iba pang soy bean-related products. Kasama na natin ang The Tofu Store mula pa noong 2006 at naging favorite nating lahat. Naniniwala ang Fruitas na naging malakas ito dahil sa convenience at availability ng taho na hindi na natin kailangan pang gumising nang maaga maabutan lang si kuya na naglalako nito.
Samantala, ang Negril Trading na ang mamamahala sa dalawang stores ng Kuxina at ito ay ang Kuxina Filipino Fusion at Kuxina Ihaw na! sa Le Village Lifestyle Food Park sa E. Rodriguez, Sr. Avenue, Quezon City. Ang mga favorite nating lutong ulam ay matitikman natin dito sa Kuxina ngunit, may twist! Ilan sa mga halimbawa nito ay crispy kare-kare, fried sinigang, crispy dinuguan at marami pang iba!
Mas lumalaki na ang Fruitas family dahil sa mga bago nitong produkto tulad ng Buko Loco at Johnn Lemon na kumukuha ng shares sa small companies tulad ng De Original Jamaican Pattie at Sabroso Lechon na tumutulong din sa kanilang paglaki. Sa katunayan, nagsimula ang De Original Jamaican Pattie na may 40 branches at ngayon ay umabot na ito sa 160!
Target ng Fruitas na umabot ang network nito sa 2,000 pagdating ng 2023. Bilang bahagi ng paglaki ng Fruitas ay nagkaroon din sila ng bagong equity through IPO sa Philippine Stock Exchange noong November 2019.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments