Drug trafficker, tiklo sa drug-bust
CAGAYAN — Isang drug trafficker ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Maura, Aparri. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Bruce Palmea, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng pitong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek. Kusa namang sumama ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakapiit na si Palmea na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments