top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Angel, sobrang marespeto raw kaya love na love niya, KC… "Pupuntahan niya ako kahit gaano kalay

Beth Gelena
Feb 7, 2020
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @reallysharoncuneta

Puring-puri ni Sharon Cune­ta si Angel Locsin sa pagiging ma­buting tao nito dahil magandang halimbawa raw ang aktres.

Ani ng Megastar, “Napaka­buti ng batang ito. Paano mo na­man ‘di mamahalin?”

Wala umanong pinatatamaan si Shawie sa kanyang ipinost na throwback picture nila ni Angel na kuha nu’ng nasa GMA-7 pa ang huli at ginagawa ang tele­ser­yeng Darna.

Pinupuri ni Mega ang ma­hu­say na aktres dahil sa pagbi­bigay-respeto nito sa kanya.

Caption ni Sharon, “This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA-7.

“I was shooting my McDonald’s commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then.”

Ikinuwento rin ni Sharon na talagang iba raw ang isang Angel Locsin. Kahit daw nu’ng lumipat na sa Kapamilya Network ang aktres, kapag nalaman niyang nasa ABS-CBN siya ay sinisiguro raw ni Angel na siya ay makabati saanman si­yang sulok ng building naroroon.

“Pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag-‘Hello,’” sambit ng Megastar.

Lalo raw niyang pinuri si Angel sa kagandahang-loob nito nu’ng nagte-taping sila ng Station ID. Nang makita raw siya ni Angel na nasa likod ay agad si­yang nilapitan ng aktres at hinila para mapunta sa unahan.

“Nu’ng nasa stage na kami, ayaw ni Angel na du’n lang ako sa likod. Hinila niya talaga ako at inilusot niya talaga ka­ming dalawa sa lahat ng mga artistang na­sa long stage hanggang madala niya ako sa harap.

“Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita!”

Nag-react si Angel sa magagandang salita ng Megastar tungkol sa kanya.

Komento ni Angel, “Ikaw po ang MEGA STAR namin! Grabe, starstruck 100%.

“Naalala ko po, nag-aabang po ako sa labas ng Eat… Bulaga! para lang po makita kayo! Pero ibinaba n’yo po ‘yung bintana ng kotse n’yo para mag-’Hi!’, tapos namatay na po ako sa kilig.”

Sey naman ng isang netizen, parinig at patama umano sa anak na si KC Concepcion ang kanyang ginawa.

“Ngayon ka lang naman nag-post ng ganyan. Kasi may purpose ka para magparinig sa anak mo. ‘Di ako fan ni KC, naaawa lang ako bakit kailangan mong gawin ‘yan thru social media at proud ka pa.

“Mataas ang pinag-aralan mo at galing ka sa marangal na pamilya, gamitin mo,” komento ng netizen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page