Aktor, pinagselosan daw ni Joshua… Sam, umamin sa mga nagustuhan kay Janella
- Ador Saluta
- Feb 7, 2020
- 1 min read

Nagsalita na rin sa wakas si Sam Concepcion tungkol sa bali-balitang minsan na siyang pinagselosan ni Joshua Garcia dahil kay Janella Salvador.
Base sa larawang kumakalat sa social media kung saan makikitang inakbayan ni Joshua si Janella matapos kausapin ni Sam sa thanksgiving party ng kanilang series na The Killer Bride, mukha raw pinagselosan ni Joshua ang nasabing eksena.
Sa Tonight with Boy Abunda nitong Miyerkules, nilinaw ni Sam na walang katotohanan ang nasabing balita at iginiit na magkakaibigan lamang silang tatlo nina Janella at Joshua. Ngunit, nang tanungin ng TV host na si Boy Abunda si Sam tungkol sa isyu, inamin ng singer-actor na marami itong gusto tungkol kay Janella.
“Janella is a very dedicated actress. She’s very good. She’s also a singer. Definitely [gusto ko siya as a professional],” paliwanag ng aktor.
“Gusto ko siyang makatrabaho ulit,” dagdag niya.
Nang tanungin naman kung may posibilidad na ligawan niya ang aktres, sagot ni Sam, “Hypothetical? Well, yes.”
Abala si Sam sa appearances at promotion ng kanyang latest project, ang restaging ng Joseph the Dreamer, isang musical mula sa professional gospel theater company na Trumpets.
Ipapalabas ang nasabing musical mula February 21 hanggang March 7 sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig, sa direksiyon ni Paolo Valenciano.





Comments