Tampuhan nila ng anak, kaya lalong lumalala… Sharon, iniinggit na, tinitikis pa si KC
- Erlinda Rapadas
- Feb 6, 2020
- 1 min read

Photo: @reallysharoncuneta (left) / @itskcconcepcion (right)
Nag-react na rin si Sharon Cuneta sa mga bashers na kumukuwestiyon sa kanyang pagpapalaki sa anak na si KC Concepcion. Nagkulang daw ng panahon at atensiyon si Megastar para sa kanyang anak during her growing up days.
Masyadong naging busy si Shawie sa kanyang career noon kaya hindi niya nagampanan nang husto ang pagiging ina kay KC. Sa halip, sa kanyang Mommy Elaine lumaki at nagkaisip si KC kaya mas naging malapit ito sa kanyang Mamita kesa sa kanyang Mama Sharon.
Hindi simpleng tampuhan lang ang namamagitan ngayon kina KC at Sharon. Habang nagtatagal ay lumalalim ang kanilang gap at may iba pang past issues na nauungkat.
Nang makipag-dinner si KC sa kanyang amang si Gabby Concepcion at naibalita ito sa social media, heto at may nai-post din na katapat si Shawie na masayang dinner kasama ang mga pamangking babae (mga anak nina Helen Gamboa at Sen. Tito Sotto) kasama ang adoptive son niyang si Miguel.
Para sa ilang netizens, pang-iinggit at pagtikis daw ito ni Megastar sa nakatampuhang anak na si KC.
Ganu’n na ba katigas ang puso ni Sharon Cuneta? Sino sa kanila ni KC ang gagawa ng move upang magkabati?





Comments