Patay kang bata ka! Barbie, nabuhusan ng kape si Dina

Bilib na bilib si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa husay sa pag-arte nina Lovi Poe at Max Collins sa GMA primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
Tampok sina Lovi at Max sa pilot week ng serye kung saan sila ang gumanap na younger versions ng mga karakter nina Sussie at Amy.
Sey ni Barbie, “Sobrang bilib ako sa kanila kasi ang fluent nila sa Waray at Ilocano dialect. Lahat kami nag-take-up ng short class ng dialect na ‘yun at ang hirap niya. Pero sa kanila, parang ang fluent-fluent, natural talaga nilang nai-deliver ‘yun. Sobrang na-pull-off nila ‘yung characters as young Waray and young Biday. Naintindihan nu’ng mga tao kung bakit sila naging mortal enemies.”
Samantala, maraming pasabog na eksena ang dapat abangan sa primetime soap dahil napapanood na ngayon ang mga karakter nina Barbie bilang Ginalyn at Kate Valdez bilang Caitlyn.
Bukod diyan, dapat ding abangan ang intense na eksena nina Barbie at Ms. Dina Bonnevie kung saan aksidente niya itong nabuhusan ng kape.





Comments