top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga bumanat sa kanya nu'ng down na down nang makulong… Sigaw ni Sen. Bong: Pinatawad ko na sila

Julie Bonifacio
Feb 6, 2020
3 min read

Puno ng kilig si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na idinetalye ang pla­no niya sa Valentine’s Day ka­sa­ma ang misis niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

“Siyempre, date ko ‘yung asawa ko. Pe­ro may wedding yata kaming a-attend-an, kaya ru’n kami magde-date sa Pam­pa­nga,” kuwento ng “first and original” Sen. Bong.

Wala naman daw masyadong kaiba­han ang pagse-celebrate nila ni Mayor Lani ng Valentine’s Day this year.

“Alam mo, kailangan araw-araw Valentine’s Day. Wow! ‘Di ba? Kaya ‘yung Valentine’s Day isine-celebrate mo lang ‘yung Araw ng Puso. Pero kailangan, ma­ging mapagmahal ka araw-araw.”

Sobrang cheesy naman ang sagot ni Sen. Bong sa amin when asked kung ano ang Valentine gift niya kay Mayor Lani.

“Pag-ibig ko, wow! Wala na siyang ha­hanapin pa. Hahaha! Siyempre, plenty of ro­ses, with matching chocolates,” kasunod ang pagkatamis-tamis na ngiti ni Sen. Bong.

More than 30 years nang kasal sina Sen. Bong at Mayor Lani. Sa tagal ng pag­sasama nila, mas lumalim ang kahulugan ng pag-ibig nila sa isa’t isa.

“Sa dami ng pinagdaanan ko sa bu­hay, doon mo makikita ang hangganan ng pagmamahal. Uh, simula pababa hang­gang pataas, doon mo makikita ang mga tao na nagmamahal sa ‘yo.

“Kaya, while picking up the pieces while you’re down, doon mo makikita kung sino ang mga tunay na tao. At kung si­no ba ‘yung patuloy na dapat mong mahalin.

“‘Yung mga taong nagbibigay ng im­portansiya sa ‘yo, oo. ‘Yung kailanman, hindi ako pinabayaan. Kaya sabi ko nga, eh, ba­wat pagsubok, may katapusan. Kaya ‘yung pag­subok na dumating sa akin, ‘pag duma­ting sa ibang tao ‘yan, huwag susuko.”

At dahil love month, tinanong namin si Sen. Bong kung napatawad na niya totally ang lahat ng mga nakagawa sa kanya ng kasalanan.

“‘Yun ang importante, you should learn how to forgive. That’s for me, ha? Water under the bridge. Let’s move on. Pina­tawad ko na sila. Pinatawad ko pero hindi ko kakalimutan. You FORGIVE BUT YOU DON’T FORGET. Pero pinatawad ko na. Wala na ‘yun. ‘Yung makalimutan, hindi naman ako nagtatanim. Hindi na­man ako mapagtanim na tao, eh.

“Basta ang importante, ‘yung pagma­ma­hal sa kapwa. Kapag halimbawa, du­mating ang araw, kailanganin nila ako ka­hit sila pa ‘yung nagtulak sa akin sa bangin, ako ang babangon sa kanila. Ganu’n! Wala sa aking masamang tinapay. Hindi ako ganu’n klase ng tao para magbengga.

“Sabihin mo nakabalik ako sa posis­yon ko ngayon ulit para balikan ko sila, no, I’m not like that. Nandito ako para sa bayan, pa­ra magpa­tuloy para sa mga taong nag­titi­wala sa akin, at patuloy na nanini­wala sa akin. Mag­lingkod sa mga nalason nu’ng na­ka­ra­an, alam ko dara­ting ang araw na liliwanag din ang lahat sa ka­nila,” diin niya.

Sa ngayon, ayaw na raw umiyak ni Sen. Bong.

“I don’t want to cry anymore. Kasi, naging mababaw ang luha ko. Sobra-sobrang luha na ang nasa mata ko. Hindi lang isang balde, isang drum, grabe (emosyo­nal)! I don’t want to cry anymore.

“Sabi ko nga, ayaw ko nang umiyak. Alam nin­yo kung gaano kasakit sa akin ‘yun.”

Lastly, naibalita namin kay Sen. Bong ang next film na gaga­win ni Direk Mikhael Red tungkol sa naganap na pangho-hostage sa Luneta Grandstand noon kung saan siya ang napiling negotiator ng nang-hostage.

We asked him kung puwede siyang ma­ging bahagi ng movie na gagawin ni Direk Mik.

“Kaninong istorya ‘to? Depende kasi ‘yan, eh. Dalawa kasi ‘yung siege noon, ‘yung isa, kay Jun Ducat. And the other one, ‘yung maraming namatay na Chinese, ‘di ba?

“‘Yung negotiation during the time ni Jun Ducat, doon ako kasali at napa-surrender natin sila. ‘Yung isa, ‘yung sa Lu­neta na isa namang version, ‘yung mga Chinese naman ang namatay. Uh, kung ginawa nila ‘yung panahon namin ni Jun Ducat na nakapag-negotiate ka, nakapag-dialogue ka nang maayos, hindi mang­yayari ‘yun. ‘Yun ‘yung difference noon na ‘yun sana ang ginawa nila… ‘yung gi­na­wa namin sa pakikipag-negotiate ru’n sa hostage taker.

“Kung kukunin ako for a special participation sa movie, okey lang sa akin ‘yun. Basta para sa industriya, I’m open,” esplika pa ni Sen. Bong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page