Badtrip sa pakialamerong katrabaho na binura ang phone messages niya
- Roma Amor
- Feb 6, 2020
- 1 min read

Dear Roma, Sumangguni ako sa inyo dahil naiinis ako sa katrabaho ko nang pinakialaman niya ang phone ko nang walang pahintulot. Binura niya ang messages namin at ng katrabaho naming babae. Dahil du’n, hindi ko muna siya pinansin kahit kinakausap niya ako. Hanggang ngayon, naiinis ako sa kanya dahil ang ayoko sa lahat ay pinakikialaman ang privacy ko. Ano ang gagawin ko? – Jaztin
Jaztin, Nakakainis naman talaga ang mga ganyang sitwasyon dahil una sa lahat ay hindi ito tama. Sa ngayon, ang maaari mong gawin ay huwag mo munang kausapin ang katrabaho mong ito. Hintayin mo munang mawala ang inis mo rito kaysa makipagplastikan sa kanya. Kapag naging okay ka na, puwede mo nang sabihin kung ano ang hinanakit mo sa kanya. Good luck!





Comments