top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

After maghiwalay… Ryza, umaming 'di sila Friends ni Cholo

Ronalyn Seminiano
Feb 6, 2020
1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

After ng relationship nila ni Cholo Barretto, sinabi ni Ryza Cenon na ayaw na niyang makipag­re­lasyon sa kapwa artista. Aniya, “Ayoko na po ng showbiz. Gusto ko nang maging secret ‘yung love life ko.

“Gusto ko nang magkaroon ng privacy para baka sakaling magkaroon na ako ng asawa kasi ako na lang ‘yung wala, eh, sa batch namin.

“Thirty two na ako, kaila­ngan ko nang magkaanak. My God, wala na ako sa kalen­dar­yo at saka ready na ako. Gusto ko nang magkaanak. Kaya nga lang, wala pa si Mr. Right. Hahaha!”

Ayaw na raw kasi niyang may nakikialam sa buhay-pag-ibig niya kaya mas gusto niyang non-showbiz ang susunod niyang magiging BF.

Nang matanong naman si Ryza kung kamusta na sila ni Cholo after nilang maghiwalay, sey ng magaling na aktres, “To be honest, we’re not friends, pero okey kami but we’re not friends. May ganu’n naman, eh. Ako naman ‘pag ex, hindi kailangang friends pa kayo. Basta maayos ‘yung hiwalayan n’yo, okey na ‘yun.”

Kung hindi sila friends ni Cholo, sinabi naman ni Ryza na binabati at nakakakuwen­tuhan pa rin niya ang ilan sa mga circle of friends ng kanyang ex.

Sey pa ni Ryza, “Hindi naman sila damay du’n, labas sila ru’n. Kung may problema man or meron mang ano, sa amin lang dalawa ‘yun ni Cholo.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page