top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Year 2020, pagbagsak ng mayayabang, mapang-api at nagmamataas

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Feb 5, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang mga aral sa buhay na nakuha natin sa alamat ng mga Tsino tungkol sa mga Chinese animal signs.

Sa pagsisimula pa lang ng taong 2020, may mga aral sa buhay na ating matututunan na maaaring nag-uugat sa alamat ng mga Tsino tungkol sa kanilang Chinese animal signs.

Nagkaroon ng malaki at malawak na sunog sa Australia, kaya makikita natin ang malalakas na bansa ay humihina rin pala, kaya hindi nakapagtataka na ang most powerful ngayon na U.S.A. ay takot na takot sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Gayundin, ang China na kabilang sa most powerful ay makikitang powerless laban sa mahiwagang sakit na sa kanila nagmula. Sa alamat ng mga Tsino, hindi rin garantiya na kapag ikaw ay powerful tulad ng ibang animal signs ay magiging bida dahil ang hamak at maliit na Rat ang naging kilala. Ngayong taong ito, kung sino ang maliit, siya ang kagugulatan ng lahat tulad ng pagsabog ng Taal Volcano na isa sa pinakamaliliit na bulkan sa buong mundo.

Kaya ngayong 2020, dapat nang kabahan ang mga taong nag-aakala na siya ay mas powerful kaysa sa kanilang kapwa dahil maaaring magkatotoo sa buhay nila ang kasabihan na madalas nating marinig na “Ang malaki ay hindi nakapupuwing dahil ang nakapupuwing ay ang maliliit.” Ito rin ay nagsasabing sa buhay ng tao, ang maliit na problema ay huwag na huwag babalewalain dahil ang maliit pala ang maaaring maging dahilan ng napakalaking problema.

Ngayong taon, ang pagyayabang at pagpapakita ng yaman o magandang kalagayan tulad ng pagkakaroon ng yaman at bagong kagamitan ay maaaring maging sanhi ng pagbagsak.

Kitang-kita na sa alamat ng mga Tsino, ang mga mapagmataas, mayayabang, mapang-api at manghahamak ay pinulot sa kangkungan. Makikita rin na ang may tuluy-tuloy na pagsisikap, may iisang layunin, desidido at hindi nagpapatinag sa harap ng malalakas na kalaban at mabibigat na hamon ng kapalaran ay ang mananalo sa karera ng buhay.

Ito mismo ang kasaysayan ng Rat na sa kabila ng kanyang mga kahinaan at kapintasan ay nagawang maungusan ang lahat ng kanyang mga karibal at kakumpitensiya at siya ang itinanghal na nagwagi.

Muli, kumuha tayo ng aral sa alamat ng mga Tsino tungkol sa animal signs. Hindi ito kuwentong pambata dahil ito ang pinagmumulan ng sikreto ng mga Tsino kung bakit sila nagtatagumpay, lalo na sa larangan ng pagnenegosyo.

Good luck sa inyong lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page