Unfair daw na todo-patutsada sa anak… HIRIT NG NETIZENS: Sharon, inuna ang pera kesa kay KC!
- Vinia Vivar
- Feb 5, 2020
- 1 min read

Photo: @reallysharoncuneta (left) / @itskcconcepcion (right)
Sa muling pagpo-post ni Sharon Cuneta ay muli na naman siyang na-bash ng mga netizens dahil tila pasaring daw ito sa anak niyang si KC Concepcion matapos sabihin ni Megastar na tine-treasure siya at ang kanilang pamilya nina Frankie Pangilinan at Miel Pangilinan, mga anak niya kay Kiko Pangilinan.
Komento ng isang netizen: “Ang unfair kay KC. Ang hilig mong magpasaring sa mga caption. Hindi mo kailangang laging magkumpara, iba-iba naman ang paraan ng mga anak para ipakita ang pagmamahal sa magulang.
“Si KC, habang lumalaki, walang ama, tapos ikaw, busy sa career mo (may love life pa). Naalala mo ‘yung ikinuwento mo? Si KC, nagsusulat kay Boss Vic na huwag ka muna bigyan ng work kahit 1 week lang para lang makasama ka niya.
“Money and fame can never give a permanent satisfaction in life. Giving your daughter all the glitters in the world would not cover the lost hours and absences of your presence.”
Marami rin namang nagtanggol kay Sharon at sinabing maraming beses na rin naman daw pinuri ni Mega si KC at lagi ring sinasabi ever since kung gaano siya ka-proud sa panganay na anak.
So, hindi naman daw dapat bigyan ng kulay kung sina Miel and Kakie naman ang purihin ngayon.





Comments