Sa ayaw at sa gusto ng madir… Sarah, gustong lumaya sa pamilya kaya sa Italy magpapakasal

Sa March 14, 2020 ang sinasabing petsa ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Italy. Maraming fans ang nagtatanong kung bakit sa Italy pa gaganapin ang kasal na dapat ay sa ‘Pinas.
Dapat daw ay partidos ng babae ang masunod sa kanilang wedding preparations. Hindi raw ba ito tinutulan ng pamilya ni Sarah, especially her Mommy Divine?
Malaking gastusin tiyak kung bibiyahe pa-Italy ang buong Geronimo family to attend Sarah’s wedding. Wala bang nagawa ang parents ni Sarah upang tutulan ang pagpapakasal niya sa Italy? Hindi ba nila kinausap ang partidos ni Matteo?
Well, may ilang nagsasabi na desisyon daw mismo ni Sarah ang kanyang pagpapakasal sa Italy upang hindi na ma-stress at mapakialaman pa ng kanyang parents. She’s 31 already, matured enough to make her own decisions lalo na sa big event ng kanyang buhay. Gusto niyang ma-feel ang pagkakaroon ng total freedom, ang hindi madidiktahan sa gusto niyang gawin sa buhay.
Anuman ang isipin ng iba, ang mahalaga ay sila ni Matteo ang nasunod kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang kasal. Hindi ‘yun nangangahulugan ng pagtalikod sa kanyang parents at mga fans. Wish ni Sarah, maintindihan din siya ng lahat.





Comments