Pramis, 'di raw talaga dyowa si Gretchen Ho… Coney, ibinuking kung bakit walang GF si Vico
- Mercy Lejarde
- Feb 5, 2020
- 2 min read

Sa grand mediacon ng GMA-7’s newest TV series na Love of My Life ay nakausap ni yours truly si Coney Reyes na isa sa mga lead stars at mommy dearest in real life ng now Pasig mayor na si Vico Sotto.
Kinumusta ni yours truly ang kanyang pagiging ina kay Vico na dyunak niya kay Bossing Vic Sotto.
Sey ni Coney, “I am very happy and I feel so blessed. And I am proud of my son.”
Natanong din namin kung wala pa ba siyang masasabing girlfriend nito sa ngayon?
“Walang panahon. Grabe. Ang dami-dami niyang inaayos sa Pasig. Siguro ‘pag naka-relax-relax na siya sa work niya as Pasig mayor.
“Saka hindi ko na problema ‘yun kasi hindi rin naman niya pinoproblema ang love life sa ngayon. I am praying for him every day. Si Lord na ang mag-aayos niyan. Kasi ang focus niya ngayon ay ang work-work niya as Pasig mayor,” ang nakangiting sey ni Coney na naging friendship namin nu’ng panahon pa nila ng yumaong basketball star na si Larry Mumar (SLN), sa true lang.
Kaya lang, hindi pa yata alam ni Coney ang loudest whispers in town ngayon na may espesyal na namamagitan daw between her son Vico at sa ex-GF ni Robi Domingo na si Gretchen Ho.
“Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong. Mga anak ko, magsasabi ‘yun. ‘Pag walang sinasabi, eh, di wala,” sabi pa ng mommy dearest ni Mayor Vico sa ilang reporters na kinulit-kulit siya sa Love of My Life mediacon.
O, siya, abangan na lang natin kung kelan aamin sina Mayor Vico at Gretchen Ho kung true ang bali-balita na “Love Of My Life” na ang turingan nila sa isa’t isa, lalo’t balitang-balita na meron na rin namang “Love of his life” si Robi Domingo named Maiqui Pineda.
‘Yun na!





Comments