Red Spikers maangas vs. Arellano sa NCAA Volley

Nakabangon ang San Beda University mula sa dalawang sunod na pagkabigo matapos walisin ang Emilio Aguinaldo College, 25-15, 25-16, 27-25 kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Dahil sa panalo, sinolo ng Lady Red Spikers ang ikatlong puwesto taglay ang markang 4-2, panalo-talo habang nanatili namang walang panalo ang Lady Generals pagkaraan ng anim na laro.
Nagtala ng 22-puntos si Cesca Racracquin bukod pa sa 9 na digs at 7 receptions upang pamunuan ang panalo ng Lady Red Spikers.
Nauna rito, bumawi sa kanilang pagkatalo sa third set ang EAC Generals upang magapi ang San Beda Red Spikers, 25-22, 25-20, 18-25, 25-19. Ang panalo ang ika-6 na sunod ng Generals na nagtabla sa kanila sa reigning titlist University of Perpetual Help sa pamumuno sa men’s division.
Nagposte ng 24 puntos si Joshua Mina na tinampukan ng 21 attacks maliban sa 8 digs at 18 receptions upang manguna sa nasabing panalo ng EAC.
Nagtapos na leading scorer ng nabigong San Beda si Jeffrey Losa na nagtala ng 16 puntos. Kahit natalo, nanatili ang Red Spikers sa ikatlong posisyon taglay ang patas na markang 3-3 sa likod ng magkasalo sa second spot na College of St. Benilde at Arellano University na may parehas na 4-2 rekord.
Tabla lang ang dalawang koponan sa depensa nila sa net matapos magtala parehas ng tig-6 na kill blocks at di rin gaanong nagkalayo sa floor defense sa itinala nilang 48-45 digs, lamang ang EAC. Mas maraming errors ang Generals kontra Red Spikers, 26-19, ngunit, nakabawi sila at nanaig sa hits, 63-51 at sa receptions, 42-33.





Comments