Raptors at Pistons, panalo; James at Davis, nagpa-tattoo

Bumanat si Rookie Terence Davis ng career-best 31 points nang talunin ng Toronto Raptors ang bisitang Chicago Bulls 129-102 kahapon upang ipatas ang kanilang franchise record sa bisa ng 11 straight wins sa NBA game kahapon.
Dumagdag si Pascal Siakam ng 17 points at 9 rebounds sa kabila ng hindi paglalaro sa 4th quarter para sa Raptors, na nagwagi rin ng ika-11 straight noong 2016 at 2018.
Umiskor si Serge Ibaka ng 16 points para sa Toronto, may 14 si Kyle Lowry, may 12 points si Fred VanVleet at 8 assists habang si Chris Boucher ay may 15 at may 10 si Patrick McCaw.
Sa ibang laro, kumamada si Andre Drummond ng 21 points, 17 rebounds at 4 assists, may pinukol na 20 points si Reggie Jackson at 6 assists nang putulin ng host Detroit Pistons ang five-game losing streak nang sorpresahin ang Denver Nuggets 128-123 sa overtime game.
May nagawang 19 puntos si Bruce Brown, 10 rebounds at 8 assists, umiskor sina Svi Mykhailiuk at Tony Snell ng tig-13 points para sa Detroit. Nakapagtala si Drummond ng ika-400 na double-double points sa kanyang career.
Dumanas si Derrick Rose ng Detroit ng injury at hindi na nakabalik sa laro. Tumapos siya na may 2 points.
Samantala, nagpa-tattoo sina Los Angeles Lakers stars LeBron James at Anthony Davis bilang pagkilala kay NBA legend Kobe Bryant. Nagpalagay sa kanyang kanang hita si Davis ng Black Mamba logo ni Bryant. Sa kanang hita ni James ay naka-tattoo ang Black Mamba ni Bryant na may jersey number 8 at 24 at nakasulat ang “Mamba for life.”





Comments