Piktyur, ikinalat sa FB… Alden at Bea, huli sa Thailand Airport
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: Jenifer Maglangit Madridano Patagnan (left)
Spotted ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo at ang Kapuso actor na si Alden Richards sa Thailand Airport. Tuwang-tuwa ang mga Pilipinong nakakakilala sa dalawang famous celebrities ng bansa. May project umanong pagsasamahan sina Bea at Alden.
Isang netizen ang nag-upload sa kanyang Facebook account ng larawan ng dalawang big stars na parehong naka-face mask.
Sey ni Jenifer Patagnan, “My gosh, Bea Alonzo and Alden Richards at Suvarnabhumi Airport [in] Thailand. Na-starstruck lang jud ko (Na-starstruck talaga ako).”
Panay naman ang pagpapaunlak nina Bea at Alden sa mga gustong magpa-selfie sa kanila.
According to sources, may endorsement shoot na ginawa ru’n ang dalawa. Pero marami ang nanghinayang at mas gustong sa movie magsama ang dalawa dahil bagay naman sila.
Komento ng isang netizen, “Kung movie ito, magiging relevant na naman si Alden. Ito ang magiging saving grace niya after ‘yung flop serye niya! ABS to the rescue na naman.”
Tuwang-tuwa raw si Alden dahil idol niya si Bea noon pa, lalung-lalo na nang maka-tandem nito si John Lloyd Cruz.
Sana raw, pagkatapos ng commercial ay pelikula ang gawin ng dalawang celebrities





Comments