Noon Bell, wagi sa 2nd SC Stockfarm Race

Nagwagi sa katatapos na 2nd SC Stockfarm Sires Produce and Graduates Stakes Race ang Noon Bell sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite nitong Linggo.
Naorasan ang Noon Bell ng 1:24.4 sa 1,300 meters at nag-uwi ng P300,000. Matapos biguin ang Money Gain na tumanggap ng P112,500 na tinanghal na 2nd place.
Natanggap ang P62,500 bilang 3rd place place ng Surplus Boy at dumating na pang-apat ang Batang Evalom na nag-uwi ng P25,000.
Sa simula ng karera agad kinuha ng Fortress ang unahan habang nakasunog ang Excomunicado at agad na kinuha ang bandera ng Batang Evalom.
Hindi na pinaporma ang mga kalaban nang agawin ang unahan kay Batang Evalom ng kabayong Noon Bell habang paparating ang Money Gain at Surplus Boy.
Wala ng nakadikit kay Noon Bell na lumayo ng apat na kabayo para pangunahan ang naturang laban at pumangalawa ang Money Gain at dumating na pangatlo ang Surplus Boy.
Itinanghal na panalo sa Race 6 ang The Whole Truth sa katatapos na Hapi-Philracom Trophy Race na simula ng 2nd WTA.
Nanalo ang Del Monte sa Pintig Puso Pilipinas Charity Race na simula ng 2nd Pick 6 sa Race 7.
Itinanghal na panalo sa Rotary Club of Calapan Volunteer Group, Inc. Charity Race ang Kaka and Bachi habang ang Don Albertini ang nanalo sa “DLSL Class 1970 Association, Inc. (De La Salle Lipa) Charity Race for the victims of Taal Eruption at nanalo ang Fantastic Max sa Philppine Red Cross-Manila Chapter Charity Race.
Binabati ko ang nanalo sa 1st WTA (5/8/1/4/11/6/6) P8,427.60; 2nd WTA (11/6/6/3/1/3/3) P127,646.40.





Comments