Kung si Sharon, ayaw makita… KC, nakipag-dinner na, ipinagsigawan pang mahal ang amang si Gabby
- Nitz Miralles
- Feb 4, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida


Nagpalitan ng “I love you” ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion at mababasa ito sa IG account ng aktor na nag-post tungkol sa tuko sa bahay niya sa Lobo, Batangas. Nag-comment si KC ng “We share the same love for nature adventure & animals! I love you popps.”
Sumagot naman si Gabby ng “Love you more baby girl.”
Nauna rito, nag-dinner date sina Gabby at KC sa isang Japanese restaurant na ikinatuwa ng kanilang mga supporters. Hindi lang maiwasang may magtanong kung bakit may time si KC to see her dad, pero ayaw niyang makipagkita sa mom niyang si Sharon Cuneta.
Napag-usapan naman siguro nina Gabby at KC ang isyu nila ni Sharon. Pero malamang na hindi natin malalaman ang tungkol doon dahil tahimik si KC, lalo na si Gabby. Hindi nga nila ipinost ang dinner date nila at nalaman lang sa IG Story ni KC.





Comments