Hindi raw puwedeng kumawala sa kanya… Loisa, hawak sa leeg si Ronnie
- Vinia Vivar
- Feb 4, 2020
- 2 min read

Ang cute ng sagot ni Loisa Andalio nang tanungin sila ni Ronnie Alonte sa presscon ng James and Pat and Dave kung ano ang bagong maio-offer ng LoiNie love team compared sa ibang love teams ngayon.
Sagot ni Loisa, ‘yung iba raw love teams ay marami nang nagawang pelikula samantalang sila ay itong James and Pat and Dave ang first solo movie nila.
“‘Yun po ang ipinagkaiba namin,” natatawang sabi ng dalaga.
“Nagsisimula pa lang po ‘yung love team namin dahil dito sa James and Pat and Dave,” dagdag pa niya.
Sabi naman ni Ronnie, isa pang ikinaiba nila sa other love teams ay GF na niya si Loisa nang magsimula ang kanilang tambalan. Ang ibang pairs, nagkaka-develop-an na lang kapag naging love team na.
Sey pa niya, “Totoo kami. Kami po ang magka-love team na totoong magdyowa.”
Bukod daw sa pagiging totoo nila, sobrang open pa raw nila, all-out at walang wall sa mga tao.
“Hindi namin itinatago kung anumang meron sa amin. And ayun, siguro, ‘pag nagtrabaho kami, talagang trabaho,” dagdag pa ni Ronnie.
Naikumpara rin ang LoiNie love team kina Joshua Garcia and Julia Barretto na nakasama ni Ronnie sa Vince and Kath and James na launching flick ng JoshLia bilang magka-love team hanggang sa nagkaroon na nga ng relasyon at ngayon ay hiwalay na.
Ang James and Pat and Dave ay sequel ng VKJ kaya ang biro ng press, baka raw matulad ang relasyon ng LoiNie sa JoshLia na naghiwalay din.
“Hindi mangyayari ‘yun,” sagot agad ni Ronnie.
Sey din ni Loisa, “Parang malabo, kasi ako, kapit ako talaga, eh. Talagang hindi ka makakawala.”
Paniniguro ulit ni Ronnie, “Hindi, hindi talaga mangyayari ‘yun.”
Of course, tuwang-tuwa naman ang mga LoiNie fans sa sinabi ng dalawa.





Comments