Corteza, nakuha ang trono sa World Straightpool

Muling nasaksihan ng mga miron ng bilyaran sa buong mundo ang angas na nagbigay sa Pinoy na si Lee Van “The Slayer” Corteza ng korona sa World Straightpool matapos niyang sikwatin ang trono ng malupit na 2020 Derby City Classic (DCC) 9-Ball kontra kay Joshua “The Killer” Filler ng Germany sa bakbakang ginanap sa Elizabeth, Indiana.
Isang pamatay na 11-4 na iskor pabor sa 40-anyos na pambato ng Pilipinas mula sa Davao ang tumapos sa ambisyon ng Aleman na si Filler na siya ring hari ng 9-ball sa buong mundo noong 2018 at kasalukuyang World Pool Billiards Association (WPA) no. 2.
Nauna rito, si Filler lang ang tanging non-Pinoy na nakapasok sa semifinals sa huling event ng mahigit isang linggong kompetisyon. Bukod kay Corteza at Filler, nasa final 4 din sina Zorren James “Dodong Diamond” Aranas at si Southeast Asia Games 10-Ball gold medalist Dennis “Robocop” Orcullo.
Pinag-empake ni Corteza, si World Pool Billiards Association (WPA) no. 3 Shane Van Boening ng US, John Gabriel (US), dating world 9-ball king at minsan nang naging Master of the Table sa DCC na si Francisco “Django” Bustamante, Mika “Iceman” Immonen ng Finland, ang Rusong si Maksim Dudanets, Marc Vidal ng Spain, 2020 DCC 9-Ball Banks winner Orcullo, Alex Olinger (US), Deomark Alpajora, Chad Elston (US), David Johnson at Michael Durbin.





Comments