Tanggap na bawal ang mga ex ng aktor…Maja, 'di pupunta sa kasal nina Matteo at Sarah

Grateful si Maja Salvador sa magandang pagpasok ng 2020 sa kanyang career and love life. Umpisa pa lang ng taon, grabe na ang blessings sa kanya.
“Uh, renewal ng Guitar. Magda-dalawang taon na ako sa kanila. Sabi ko, tamang-tama kasi, marami ang similarity namin ng Guitar. So, talagang pasok na pasok kami sa isa’t isa ng Guitar,” panimula ni Maja sa fashion show ng Guitar apparel sa Robinson’s Place Manila.
Katatapos lang ng teleserye ni Maja na The Killer Bride pero meron na raw inalok sa kanya na bagong project.
“May ipinitch sa akin na movie the other day. Hopefully, kapag tinanggap ng aking makakasama, eh, magtuluy-tuloy, yes. Pero hindi siya guy. Hindi ako magbibigay ng hint kasi nga siyempre, wala pa.”
Speaking of The Killer Bride, si Maja ang “itinuturo” bilang promotor ng pag-uugnay sa mga co-stars niya sa serye na sina Janella Salvador at Joshua Garcia. Binansagan din si Maja bilang matchmaker ng dalawa.
“Kung anuman ang lumabas nu’ng time na ‘yun, we’re just having fun.
Siyempre, masaya kami dahil ang daming sumuporta sa show namin. And nagsaya lang kami nu’ng gabing ‘yun. So, kung may lumabas na mga videos ng ano, siyempre mauunahan ng malisya. At lahat naman, friends.
“Alam mo naman ‘yung dalawa, fan ako nu’ng dalawa bilang siyempre, ako si Camilla, ‘di ba? Kasi, in fairness doon sa dalawa, ang lalim talaga nu’ng friendship na kahit ano’ng pagtutukso mo, talagang wala. ‘Yung party namin, siguro, alam nilang maghihiwalay na, wala na kaming taping. So, may extra sweetness.”
Natanong tuloy ang magaling na aktres kung dahil daw ba sa extra sweetness nina Joshua at Janella kaya sila in-unfollow ni Julia Barretto. “Hindi ko alam,” sabay iling ni Maja.
Personally, boto ba siya kay Joshua para kay Janella na relative rin niya? “Oo naman, love team. Oo, dahil parehas may chemistry, eh. Si Joshua naman, kahit kanino mo siya i-love team, kahit kanino mo siya i-pair, malakas ‘yung magiging chemistry. Tapos si Janella, nakita natin siya mag-grow, lalo na sa akting niya, ini-level-up niya. So, ‘di ba, talagang parang ano sila ni Joshua.”
Pinag-usapan din ang kissing scene nina Joshua at Janella sa ending ng TKB na parang may something, ayon sa mga observers ng show.
“Oo, super excited kaming lahat doon. Nakatutok ako noon, seven o’clock in the morning. Hindi kasi, parang kung ibabase natin doon sa pinagdaanan ng characters nila, si Janella na sa sobrang matindi ang pinagdaanan, ‘di ba?”
Sinagot din ni Maja kung ano ang plano nila ng boyfriend niyang si Rambo sa February 14.
“Mag-iibigan pa lalo,” ngiti ni Maja.
“Ang date namin ay sa kasal ng best friend niya. Sa Feb. 14, meron kaming wedding na a-attend-an,” dagdag pa ni Maja.
Tiniyak ni Maja na hindi nila wedding ‘yun ni Rambo. Pero ready na ba siyang mag-settle down with her BF?
“Hindi ko kasi puwedeng… ang precious kasi ng mga tanong na ‘yan, so, ‘pag sinagot ko kayo nang diretso, parang mawawala na ‘yung moment na ‘yun if ever man na… sakaling magustuhang itanong ni Rambo. Kaya isine-save ko po ‘yun.”
Pero promise ni Maja, ise-share niya ‘yun sa public. Ibinulgar pa ni Maja na puwede rin daw silang maging business partners dahil grabe raw mag-multi-task si Rambo na may dalawang companies nang mina-manage.
“Meron siyang mga bar, tapos may meetings para sa kung saan. So, nakakabilib. Tapos ako, siyempre, nag-a-ask ako, bilang siya ‘yung may experiences.”
Tinanong naman namin si Maja sa reaksiyon niya sa nalalapit na wedding ni Sarah Geronimo at ex-boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.
“Super happy ako for Ate Sarah lalo kasi katulad na naman niyan, ang tagal na nating prinsesa. Hinahangad na natin na maging masayang-masaya siya, and finally, heto na.”
Kapag inimbita ba siya ni Sarah sa wedding, pupunta siya?
“Hindi pa kami nagkita ni Ate Sarah ulit. Pero siyempre naman, doon na tayo sa katotohanan.”
“Na bawal ang mga ‘ex’?” tanong namin kay Maja habang nakatikom naman ang kanyang bibig.
On Gerald Anderson naman na na-link sa kanya, open daw si Maja to work with the lead actor of A Soldier’s Heart.
“Ilang beses na po kaming tinanong. ‘Yung Ulan? Ay, ano ba ‘yun? Ano’ng title nu’ng kay Maine (Mendoza) at kay Carlo (Aquino)? Ah, Isa Pa With Feelings.
Tinanggap ko ‘yun with JC Santos. And then, hindi puwede si JC Santos, tapos biglang si Gerald daw, okey naman sa akin. And then, hanggang hindi na talaga nag-push through ‘yung project. So, ‘yun. Pero ako, okey po talaga ako.
Sabi ko nga, as long as maganda ‘yung script.”
Once lang daw silang nagkatrabaho ni Gerald sa isang Christmas special.
May nagtanong kay Maja kung keri ba niya to work in one project na kasama sina Gerald at Kim Chiu.
“Hindi ko po ilalagay ang sarili ko sa isang posisyon na pagpipiyestahan ninyong lahat. Hahaha! Parang bilang ikaw, alam mo kung paano alagaan ang sarili mo. So, isa-isa lang.”
‘Yun na!





Comments