top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pinakamalinis na CR sa mga iskul, pararangalan na, may 1 yr. supply pa ng panlinis

Thea Janica Teh
Feb 3, 2020
2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ang paaralan ang ikalawang tahanan ng kabataan. Kaya naman, dapat maramdaman nila ang kaligtasan sa bawat germs at viruses hindi lang sa kanilang silid-aralan kundi pati na rin sa comfort room.

Kaugnay nito, nagsanib-puwersa ang Domex, Department of Education (DepEd) at Deutsche Gesellschaft fur Internationale Zusammenarbeit (GIZ) para maging malinis at safe mula sa germs ang mga toilet ng halos 7 milyong estudyante sa buong bansa.

Ang #TogetherWeAreUnstoppable Program ng Domex ay ginanap sa Lakandula High School kasama si DepEd Usec. Tonisito Umali at ang lahat ng mga division heads, staff, students at kanilang mga magulang. Ang programang ito ay campaign kung saan tutulungan nito ang bawat eskuwelahan na panatilihin ang kalinisan ng kanilang comfort room. Ito rin ay nakapailalim sa programa ng DepEd, ang Water, Sanitation and Hygiene Program (DepEd WinS).

Naitala ng mga school teachers na halos 84% dahilan ng mga estudyante kung bakit sila nagkakasakit ay dahil sa germs at viruses na nakukuha sa comfort room. Karamihan din sa ating mga eskuwelahan ay walang sapat na tubig at panlinis sa kanilang comfort room. Naniniwala ang Domex na ang malinis at safe na palikuran ay karapatan ng bawat estudyante at hindi isang prebilehiyo.

“Sa ngayon, isa sa dalawang paaralan sa Pilipinas ay hindi sumusunod sa national guidelines ng sanitation. Kaya naman, minarapat namang magkasundo para ma-achieve ang clean, safe, usable toilet para sa mga Pilipinong mag-aaral,” bahagi ni Vanessa Ong, Marketing director ng Unilever Home Care.

Kasabay ng paglunsad ng programang ito ay inilunsad din ang Eskuwelang Unstoppable Awards kung saan inaanyayahan ang lahat ng school at division offices na makiisa at gawin ang DepEd WinS Program. Ito rin ay para mapalaganap ang good hygiene at sanitation habit sa lahat ng eskuwelahan sa ating bansa. Ang sinumang eskuwelahan na may pinakamalinis at sinunod ang mga patakarang ito ay bibigyan ng award.

Ang pagbibigay ng parangal sa eskuwelahang mapipili ay isasabay sa World Toilet Day sa Nov. 19, 2020. Ang mananalo ay magkakaroon ng 1 year supply ng Domex at kikilalanin bilang Eskuwelang Unstoppable!

Panatilihing malinis ang palikuran sa ikalawang tahanan ng mga estudyanteng Pinoy at sumali sa programang ito na hatid sa atin ng Domex, DepEd at GIZ. Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Domex.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page