top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isa na lang target ng NU-Nazareth sa elims sweep

VA
Feb 3, 2020
2 min read

Photo: UAAP

Isang koponan na lang ang kailangang talunin muli ng Nazareth School of National University para ganap na makumpleto ang double round elimination sweep ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament at awtomatikong umusad ng finals.

Pinadapa muli ng reigning titlist Bullpups ang University of the Philippines Integrated School, 113-76 para sa ika-13 sunod nilang panalo kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

May limang manlalaro ang Bullpups sa pangunguna nina Steve Enriquez at Terrence Fortea na tumapos na may tig-17 puntos ang umiskor ng double digit upang manguna sa naturang panalo.

Kinakailangan na lamang ng NU na ipanalo ang huling laro nila sa second round kontra Far Eastern University-Diliman para pormal na makatuntong muli ng kampeonato sa bisa ng elimination sweep.

Kasunod nina Enriquez at Fortea, nagtala naman ng 12 puntos si Gerry Abadiano at tig-10 puntos sina Kevin Quiambao at Carl Tamayo sa nasabing panalo ng Bullpups.

Namuno naman para sa Junior Maroons na nasadlak sa kabaligtarang markang 0-13, panalo-talo si Jordi Gomez de Liaño na may game-high 27-puntos.

Sa isa pang laro, nalagay sa alanganin ang UST makaraang malaglag sa ikalimang puwesto matapos silang pasadsarin ng FEU-Diliman, 81-73.

Ang panalo na pinangunahan ni Penny Eastacio na nagtala ng 19 puntos kasunod sina Cholo Añonuevo at Patrick Sleat na may tig-13 puntos ang ika-12 sunod ng Baby Tamaraws matapos silang mabigo sa Bullpups sa una nilang laro.

Kung sakali, posible pa silang mag-no.1 papasok ng semis kung tatalunin nila ang NU sa pagtatapos ng elimination round sa Miyerkules.

Nanganganib na masibak ang Tiger Cubs na bunagsak sa markang 6-7 (panalo-talo) sa playoffs kung masisingitan sila ng La Salle Zobel at masisilat ng Baby Falcons ang Ateneo Blue Eaglets sa Miyerkules.

Nauna rito, lumakas pa ang tsansa ng Adamson para makamit ang inaasam na pag-usad sa Final Four matapos gapiin ang University of the East, 124-68.

Nagsalansan ng 27 puntos si John Erolon upang pangunahan ang Baby Falcons sa pag-angkin ng ika-7 nilang panalo kontra 6 na talo na nagpatibay ng kapit nila sa ika-4 na puwesto.

Ang pagkatalo ang ika-10 para sa Junior Warriors kontra 3 panalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page