top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Corteza, Arans at Orcullo, sumampa sa semifinals ng DCC

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Feb 3, 2020
  • 1 min read

Nagpatuloy ang angas ng mga manunumbok ng Pilipinas sa 2020 Derby City Classic (DCC) matapos sumibad sa 9-Ball semifinals sina Lee Van Corteza, Zorren James “Dodong Diamond” Aranas at Dennis “Robocop” Orcullo na ginaganap sa Elizabeth, Indiana. Dahil dito, isa lang ang itinirang upuan ng mga Pinoy sa ibang lahi at tanging si dating World 9-Ball Championship ruler Joshua “The Killer” Filler ng Germany ang isa pang napabilang sa huling apat na cue artists na nakatayo sa huling event ng mahigit isang linggong kompetisyon.

Pinag-empake ni Corteza, ang Bigfoot 10-Ball Challenge runner-up at dating World Straightpool champ, si World Pool Billiards Association (WPA) no. 3 Shane Van Boening ng US, John Gabriel (US), dating world 9-ball king Francisco “Django” Bustamante, Mika “Iceman” Immonen ng Finland, ang Rusong si Maksim Dudanets, Marc Vidal ng Spain, 2020 DCC 9-Ball Banks winner Orcullo, Alex Olinger (US), Deomark Alpajora, Chad Elston (US), David Johnson at Michael Durbin. Samantala, muling tinanganan ni Orcullo, tubong Bislig, Sorsogon, ang liderato para sa karera para sa 2020 Master of the Table (MTT) bitbit ang 210.0 puntos. Pumapangalawa sa Pinoy si 2020 DCC One Pocket titlist Billy Thorpe ng Amerika (205.7 puntos).

Nasa pangatlong baytang si Filler dahil sa kartada niyang 192.5 puntos habang nakaupo sa pang-apat na puwesto si Corteza. Dalawang beses nang napagwagian ni Orcullo ang bakbakang MTT at ito’y naitala noong 2014 at 2017. Siya rin ang naging kampeon sa 9-Ball Banks noong 2014 at 9-Ball event tatlong taon na ang nakalilipas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page