Blatche-Balkman duo, champ ng Mighty Sports sa Dubai

Photo: Espn5
Nakopo ng Mighty Sports-Creative Pacific Philippines ang pangatlo nitong titulo sa ibang bansa matapos talunin ang Al Riyadi-Lebanon, 92-81, noong Sabado ng gabi sa championship ng 31st Dubai International Basketball Championship sa United Arab Emirates.
Muling pumutok para sa Mighty Sports-Creative si Renaldo Balkman sa pagkopo niya ng Most Valuable Player award sa torneo para sundan ng koponan ang kanilang napanalunan na korona noong 2016 at 2019 sa William Jones Cup sa Taiwan. “We are overjoyed with the team’s latest achievement, we never thought to win the event much more by a sweep despite the short time of preparation.
Given another chance, we will continue to compete here or even in Taiwan just to give Filipino migrant workers a different entertainment,” wika ni Mighty Sports owner Alexander Wongchuking.
Nagtala ng 25 points at 9 rebounds si Balkman habang si Andray Blatche ay gumawa ng 21 points at 10 rebounds, ang pampitong sunod na beses na nagtala ang dating naturalized player ng Gilas Pilipinas ng double-double.
Gumawa naman si Fil-American Mikey Williams na naglalaro para sa Gensan sa MPBL ng 13 points kasama na ang tatlong tres habang si Thirdy Ravena ay nagtala ng 6 points at 2 assists ngunit, tumulong siya sa Mighty upang makalayo sa kanilang naging kaharap.
Nagtala ng limang sunod na puntos si Ravena para sa Mighty na tumulong sa koponan na maitala ang 68-51 na abanse sa third quarter habang ang mga manonood na karamihan ay mga Pilipino ay sabay sabay na nagsigawan ng
“Mighty! Mighty!”
“It’s great. It’s a great feeling as we made up for a heartbreaking loss in the semis last year. This year it feels nice,” wika ng Mighty Sports coach na si Charles Tiu.





Comments