Most wanted, timbog sa Bataan
BATAAN — Isang most wanted na kriminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa hideout nito sa bayan ng Hermosa.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ernie Flores, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Flores sa nasabing lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness.
Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Flores kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin ito sa naturang lugar.





Comments