Bawat galaw daw niya, naba-bash… Julia, nadala na, ayaw nang idispley ang relasyon in public
- Ronalyn Seminiano
- Feb 3, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @juliabarretto
Kapansin-pansin hindi na nagpo-post si Julia Barretto sa Instagram ng mga bagay tungkol sa personal na buhay niya at halos tungkol na lang sa latest movie nilang Block Z ang makikita sa kanyang IG account.
Sa isang interview sa Block Z stars na sina Ina Raymundo, Joshua Garcia, Maris Racal, Yves Flores, McCoy de Leon at Julia, natanong kung gaano kadalas silang gumagamit ng social media.
Sey ni Ina, “Every single day, of course. Right? Like first thing in the morning, it’s what we do. Admit it (sabay tingin sa mga kasama).”
Pero sabi ni Joshua, “Ako, hindi. Hindi ako nagtse-check. ‘Pag may ipino-post lang ako, ru’n lang ako nagtse-check.”
Hindi raw talaga siya nagbubukas ng social media account niya kapag wala naman siyang ipo-post.
Aniya, “Iniiwasan ko lang din kasing makabasa ng mga masasamang comments.”
Sey din ni Josh, kapag nakakakita siya sa Twitter ng netizen na namba-bash, kahit hindi masyadong hurtful words ang ikinomento nito, bina-block daw talaga ng aktor.
Natawa naman ang lahat sa ikinuwento ni Yves nang matanong sila kung ano ang disadvantages ng paggamit ng social media. Sabi ni Yves, nabiktima na rin siya ng fake news.
Aniya, “Last time, may nai-share akong isang news sa Korea na parang nasusunog ‘yung forest. Nai-share ko. Tapos sabi ko, ‘Ano’ng nangyayari sa mundo? Bakit ang daming nangyayari?’ Tapos, may mga comments na ‘Uy, Yves, 2016 pa ‘yan!’ Tapos, tsinek ko ‘yung ano talaga… kaya kailangan talagang basahin munang maigi.”
Natanong din ang cast ng Block Z kung meron bang kailangang sunding standard ang mga artista sa pagpo-post sa social media para magmukhang ‘perpekto’ katulad ng palaging gusto ng mga tao. Sabi ni Ina, kailangan nilang maging responsible sa pagpo-post dahil
maraming tao ang humahanga sa kanila. Aniya, “Pero kung ready kang ma-bash o ma-question ‘yung mga posts mo, then do it.”
Pero asahan na raw na magre-react ang mga netizens kaya kailangan daw nilang maging matapang at dapat ay handa silang idepensa ang sarili sakaling ma-bash sa anumang ipo-post nila.
Biglang singit naman ni Julia, “Which I think, you also don’t have to defend yourself or explain yourself all the time especially to the people who don’t know where you’re coming from.
“Ako kasi, well, in my case, I’ve always felt comfortable posting and putting captions that I want and post whenever I want. But in my case, bawat galaw ko, as in bawat galaw ko, nakikita talaga, eh...
“So I feel like ako, just recently, natutunan kong i-post ‘yung mga bagay na ‘yung side lang na gusto kong ipakita. I realized like ito ‘yung gusto kong i-post, ‘yung random photos ko, ‘yun lang ‘yung side ko na alam nila.”
We all know namang pinutakti ng mga bashers si Julia matapos madawit sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Dagdag pa ni Julia, “I don’t want to share so much of my private life and relationships anymore because the less people know, the less they can have an opinion on something.”
Take note sa sinabi niyang ‘relationships.’ Ibig bang sabihin nito, may karelasyon na siya ngayon after Joshua? Hmmm…





Comments