After pasikatin ang Budots… Bong, payag makipag-Tala dance craze kay Catriona

Sa thanksgiving-cum tsikahan naman with Senador Bong Revilla, Jr. and his pretty wifey, Mayor Lani Mercado, ay natanong ni yours truly ang guwaping pa ring senador kung willing ba siyang magsayaw din sila ni Catriona Gray ng Tala dance craze after niyang pasikatin ang Budots.
Natawa nitong sagot… ”Hahaha! Why not?” kaya sigawan kami ng, “Sampol… sampol”!
“Makikita n’yo na lang, sasayawin ko ‘yan, hahaha! Kaya lang baka ma-bash na naman tayo diyan, hahaha!” masayang sagot ng guwaping na senador. Eh, okay naman ba sa kanyang first lady na si Bacoor Mayor Lani na makasayaw ni Sen. Bong sina Catriona at Sarah Geronimo, o kaya silang apat?
“Ha, kaming apat? Kasama ako? (with matching tawanan on the side. Masaya at pang-good vibes lang that day, in pernes). Hayaan mo, paghahandaan namin. Dance number talaga, hahaha!” natatawang sabi ni Mayor Lani, gayundin ni Sen. Bong.
Another question by yours truly, “Sen. Bong (not Bong Go, ha!), sa tindi ng mga pagsubok na pinagdaanan mo, do you believe that after the storm, there is sunshine (not Dacudao, ha?!) in your life now?”
“Ahh… I believe that… Sa tindi ng mga pinagdaanan ko… at least, kalmado na lahat… although may mga paunti-unting dumarating din but okay lang… Kasi sa panahon ngayon… basta kailangan, huwag tayong maging pusong-mamon sa mga ibinabato sa atin, lalo na ng mga bashers… They are entitled to their own opinion. Kung minsan, mali man, karapatan nila ‘yun.”
Yes, Sir! May point ka ru’n, in pernes.
‘Niwey, good luck pa more sa iyong mga adhikain para sa ating bansang ‘Pinas, Senador Bong Revilla, Jr.! Mabuhay ang Revilla clan sa Cavite, ‘ika nga. ‘Yun lang and I thank you.





Comments