Namatay na ex-BF, 3 beses napanaginipan, sign na dapat nang mag-move on
- Socrates Magnus
- Feb 2, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Acinaj ng Acinaj_Amistad@face-book.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip tungkol sa taong patay na? Tatlong beses ko siyang napanaginipan, hindi ko na makakalimutan ang panaginip ko sa kanya, pero ang ibang panaginip ko ay nakakalimutan ko. Ang tinutukoy ko rito ay ang ex-boyfriend ko.
Naghihintay, Acinaj
Sa iyo Acinaj, Ang mga panaginip ay nagmumula sa ating pinakamalalim na sarili. Siya ay tinatawag na unconscious-self dahil ang conscious-self natin ang aktibo kapag tayo ay gising, pero kapag tayo ay nakatulog nang mahimbing, ang ating unconscious-self naman ang aktibo, kaya siya mismo ang nagbibigay ng mensahe sa atin sa pamamagitan ng mga panaginip.
Ang mensahe sa iyo ng iyong unconscious-self ay ganap mo nang kalimutan ang iyong ex-boyfriend. Isipin mong siya ay tulad ng isang patay na hindi na babalik o makababalik pa.
Maaaring sabihin, nakababalik ang patay dahil puwede siyang magmulto. Ang sagot ay oo, nagmumulto ang nakaraan, ibig sabihin, hindi magagandang pangyayari dahil sa buhay ng tao, ang “nagmumulto” ay ang hindi magagandang nakaraan. Kumbaga, ang salitang “nagmumulto” ay hindi ginagamit kapag nagbabalik ang masasayang nakaraan.
Kailangang ganap mong limutin ang ex mo nang sa gayun ay mabigyang-daan ang pagdating ng iyong magagandang kapalaran sa larangan ng pakikipagrelasyon.
Ang pahabol na mensahe sa iyo ng iyong panaginip ay ito, umibig kang muli, isang pag-ibig na sariwa at bago na tamang-tama sa salitang “new love”. Sa ganitong paraan, matatagpuan mo ang tunay na kaligayahan na nakukuha sa pagmamahalan.
Pakinggan mo ang mensahe ng iyong panaginip nang makatakas ka sa multo ng buhay mo na walang iba kundi ang ex-BF mo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo
Comments