Ipinalit kay Gretchen Ho… Robi, super-inlab, ipinakilala na ang bagong GF
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @iamrobidomingo
Ipinakilala na ni Robi Domingo ang non-showbiz girlfriend niyang si Maiqui sa press people nu’ng Biyernes, January 31, sa Greenwich pizza event.
Kung matatandaan, si Gretchen Ho pa ang huling naging GF ni Robi.
Sey ni Robi, “I think it’s high time naman para ipakilala siya. Her name is Maiqui. I have been very vocal about her sa Instagram. And wala naman akong itinatago kasi she’s a very, very pleasant girl filled with a different side of me. Kasi I’m into talking about non-sense, and siya ‘yung parang may purpose sa buhay.”
Kuwento pa ni Robi, “Sa lahat ng finances, tapos business aspects, siya ang nagbibigay sa akin (ng advice). So ngayon, mas geared ako sa preparing my future. It’s nice kasi may katuwang ka.”
Dahil tila inlababong-inlababo si Robi sa girl, ‘di naiwasang matanong siya tungkol sa kasal at aniya, “Hopefully, kasi nag-iiba ako kapag kasama ko siya. Hindi talaga ako sweet as a person, when it comes to my relationships, but with her, ako ‘yung clingy.”
Sabi nga nila, love changes us, char!





Comments