'Di na raw kaya sa labas, pinagbigyan na lang… Gloria, sa bahay na nagte-taping ng show
- Erlinda Rapadas
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Maraming nagdasal para sa veteran actress na si Gloria Romero nang siya ay magkasakit at pansamantalang nagpahinga sa pagiging narrator sa Daig Kayo ng Lola Ko.
Halos dalawang buwan ding nawala sa show si Tita Glo at pumalit si Ms. Nova Villa. Ngayon, muli nang napapanood si Tita Glo sa Daig Kayo ng Lola Ko, pero mismo raw sa bahay na ng veteran actress kukunan ang kanyang mga eksena. Siyempre, dahil sa senior star na si Gloria ay pinagbigyan ang kanyang request.
Maganda ang kuwento ng Daig Kayo ng Lola Ko, na pinagtambalan nina Dennis Trillo at Barbie Forteza. Natupad na pangarap ito para kay Barbie dahil naging crush niya noon ang Kapuso actor na si Dennis.
Comentarios