Pasyente namatay nitong Sabado.. Pangalawang kaso ng nCoV sa 'Pinas kinumpirma ng DOH
- Madel Moratillo
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Manila, Philippines — Inanunsiyo at kinumpirma ngayong Linggo ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng isang pasyente na nag-positibo sa novel coronavirus. Ito na ang ikalawang kaso at ang unang pagkasawi na naiulat sa labas ng bansang China na sanhi ng nakamamatay na virus .
Ayon sa DOH ay isang 44-anyos na lalake ang na-admit sa San Lazaro Hospital noong January 25, at nitong Sabado lang ay naiulat naman na binawian na ito ng buhay. Ang nasabing lalake ay ang kasama ng unang pasyente na 38-taong gulang na babaeng Chinese na na-admit at kalaunan ay namatay din.
Nakikipagtulungan ang DOH sa embahada ng China at ang nasabing labi nito ay nakatakda namang i-cremate.
Sa panayam kay DOH Secretary Francisco Duque III ay ito ang kanyang naging pahayag “Over the course of the patient’s admission he developed severe pneumonia. In his last few days, the patient was stable and showed signs of improvement. However, the condition of the patient deteriorated within the last 24 hours resulting in his demise,” Ito ang naiulat na ikalawang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.





Comments