BF, isinama na sa madir abroad, 'di pa rin nag-propose ng kasal… Maja sa madlang pipol: 'Wag
- Julie Bonifacio
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Itinanggi ni Maja Salvador na may naganap na marriage proposal ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez during their Christmas vacation sa Canada.
“I think kung masaya ako, eh, mas masaya ang mother ko,” natatawang sabi ni Maja sa ginanap na fashion show ng ini-endorse niyang Guitar apparel.
Mommy daw kasi niya talaga ang nag-request na isama niya sa Canada si Rambo, kaya masayang-masaya ang una.
“Nag-request ako kay Rambo at nag-thank you ako sa kanya na binigyan niya ng time at pinagbigyan niya ang mommy ko. So, nakita ko na naman kung gaano kasaya ang nanay ko.”
Pero wala raw naganap na suotan ng engagement ring habang nasa Canada sila ni Rambo.
“Ah, wala. Huwag kayong maatat. Pero sasabihin ko sa inyo, promise, oo naman, sasabihin ko sa inyo.”
Believable naman na tutuparin ni Maja ang promise niya sa media. Say nga niya, this is the first time na umamin and very vocal siya sa kanyang relasyon in public.
“So, feeling ko naman, kung paano ninyo kami sinuportahan nu’ng umpisa, dapat kung magne-next level kami, dapat naming sabihin sa inyo,” pagkatamis-tamis ang ngiting sabi ni Maja.





Comments