Gunrunner, arestado sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Feb 1, 2020
- 1 min read
MASBATE — Arestado ang isang gunrunner sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dayao, Mandaon.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jerry Amistoso, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng baril si Amistoso kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nang ilabas ng suspek ang ibinebenta nitong baril ay dito na ito inaresto ng mga awtoridad.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin sa nasabing lugar. Nakapiit na si Amistoso na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments