Dragon na pumupupu, sign na magkakasakit kaya dapat malinis palagi ang katawan at bahay
Salaminin natin ang panaginip ni Rizadel ng Rizadel_Miras@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip na dragon na dumudumi, tapos ‘yung dumi ay napupunta sa ilog?
Naghihintay, Rizadel
Sa iyo Rizadel, Nagbabala ang iyong panaginip ng posibleng pagkakaroon ng sakit o karamdaman. Dahil dito, isabuhay mo ang proper hygiene o pagiging malinis sa pamumuhay. Sundin mo rin ang payo ng mga nakaaalam at dalubhasa.
Ang karagdagang payo ay ang mga sumusunod:
1. Linisin ang lalagyan ng inuming tubig.
2. Pakuluan o buhusan ng mainit na tubig ang mga gamit sa pagkain.
3. Linisin ang kusina, gamit sa pagluluto at hapag-kainan.
4. Huwag ding kalimutan ang ilalim ng kusina.
5. Siguraduhing malinis ang mga gamit sa paghuhugas ng pinggan, gayundin
ang tauban o lalagyan ng baso at pinggan.
6. Linisin ang banyo. Ang ibig sabihin ng “linisin” ay utos sa iyo, kaya mali ka kapag sinabi mong malinis na ang mga ito dahil nga ang payo, ikaw ay inuutusan na ito ay linisin.
7. Huwag na huwag mong kalilimutan na ang mga kamay ay dapat na palaging malinis.
8. Higit sa lahat, ang palagi mong ilalagay sa isipan mo ay “Prevention is much better than any medicine.”
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments