top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BFF na ayaw magsabi at pag-usapan ang problema dahil nai-stress, todo-kimkim na lang

  • Roma Amor
  • Feb 1, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, May kaibigan ako na tuwing tinatanong ko ang tungkol sa problema niya ay palagi niyang sinasabi na ayaw niyang ma-stress kaya ayaw niyang pag-usapan ito. Nauunawaan ko naman siya dahil mukhang naguguluhan siya sa sitwasyon, pero habang tumatagal ay hindi na siya nagsasalita at lalo siyang napapasama.

Kaya kinausap ko siya na kung ayaw niya ng stress ay dapat hindi siya gumagawa ng ikaka-stress niya. Tumingin siya sa akin nang masama dahil mukhang alam na niya na marami na akong nalalaman, pero sinabihan ko siya na gusto ko pa ring malaman ang side niya at ayaw pa rin niyang magsalita. Ano ang gagawin ko? — Sheerlyn

Sheerlyn, Mas makabubuti na hayaan mo na muna siyang magpalipas ng panahon at palamigin ang mga issues na nangyayari sa buhay niya dahil darating din ang oras na magsasabi siya sa‘yo ‘pag hindi na talaga niya kayang kimkimin ito nang mag-isa.

Bilang kaibigan, intindihin at irespeto mo ang kanyang pinagdaraanan at iparamdam mo na nand’yan ka para makinig at hindi para manghusga sa kanya. Kaya mo ‘yan. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page