UST, back-to-back ang kampeonato sa Ms. U-Belt!
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Muli na namang iniuwi ng University of Sto. Tomas (UST) ang korona ng Ms. U-Belt 2020! Naging back-to-back ang pagkapanalo ni Ms. Nicole Villasper dahil UST rin ang nanalo noong 2019 at ito ay first-ever sa loob ng anim na taon!
Sa huling tanong para sa mga kandidata, bilang estudyante, ano ang kanilang maiaambag para hindi na lumaganap ang polusyon sa hangin ay simple itong sinagot ni Villasper. “Help lessen the carbon emission that we produce, use environmental friendly transportation such as walking and using bicycles,” sagot niya.
Kaya naman bilang Ms. U-Belt 2020, siya ay nag-uwi ng Php50,000 cash, trophy, trip to Boracay for 2, giftpacks mula sa mga sponsor tulad ng Pond’s, Creamsilk at Juicy Cologne. Hindi lang ‘yan, dahil may 1 year modeling contract din ito sa Isetann Department Store, Inc.!
Sumunod kay Ma. Villasper si Ms. Diana Mae Francisco na mula sa Bulacan State University (1st runner-up) at Emmanuelle Rei Llarenas ng University of the Philippines Manila (2nd runner-up). Congratulations!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments