top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 31, 2020 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Jan 31, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2020 (Biyernes): Hahawak ka ng matataas na posisyon dahil ikaw ay isinilang para ma­mahala at mamuno. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka giginhawa, ‘yun ang piliin mo. Ang kaginhawahan ay para sa iyo, gayundin, kahit ma­karanas ka ng kahira­pan, ito ay panandalian lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-29-35-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging ma­pag­bantay at mapag-obser­ba ka. May ilang mga ki­kilos na parang hindi ka ma­de­dehado, pero sa huli ay ma­lulugi ka. Ang mga kilos na ganito ay mabilis para hindi mahalata. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-16-24-28-35-41-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang iba na gawin nila ang kanilang kursunadang ga­win dahil ang pakikialam ay ma­aaring mauwi sa ka­galitan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masu­wer­teng ku­lay-pink. Tips sa lotto-4-11-16-24-27-33.

CANCER (June 21-July 22) - Ilapit mo ang iyong sarili sa mismong pa­ngarap mo. Ito ay maga­gawa mo kapag sinimulan mo ang pagtutok sa pag­paparami ng kinikita. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwer­teng k­u­lay-beige. Tips sa lotto-11-15-17-20-21-25.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ta­ga­pagbigay ang papel mo sa mundo at ito ay lihim na dahilan kung ba­kit ayaw mo nang ikaw ang binibigyan at ang mga ibini­bigay sa iyo ay kung saan-saan mo lang inilala­gay. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magturo ka. Ituro mo sa mga nasa paligid mo ang daan ng tagumpay. Hu­wag mong ipagdamot ang mga kakaiba na parang ikaw lang ang nakaiisip ng mga sikreto ng buhay. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-28-30-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ma­rami ang pinasasaya mo, pero ikaw, ami­nin mo man o hindi, may lungkot sa iyong mga mata. Ang sikreto para mawala ang lungkot ay ang mag­saya ka nang walang kasa­ma. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-23-33-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagiging malaking bun­dok ang paisa-isang alikabok. Sinupin mo ang iyong mga suwerte at sa huli ay magugulat ang lahat at hindi makapani­wala na ikaw ay ubod na ng yaman. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-21-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay sa iyo pa rin. Ibahagi mo sa mga umaala­lay sa iyo ang ilang mga bi­yayang hawak mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-24-39-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alam mo ba ang tunay na sikreto ng pa­tuloy na paglago ng hala­man? Kailangan itong tal­bu­san nang dumami ang mga sanga at dahon. Hu­wag kang manghinayang sa mga na­wawala sa iyo. Ma­su­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-14-22-26-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumili ka ng saya at hu­wag kang mag­taka dahil dito sa mundo, lahat ay may katapat na pera. Kapag bumili ka ng bagong damit, malalantad ang iyong ganda at labis kang sasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-17-22-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwe­deng magtagal ka sa loob ng bahay. Kapag nakapagpa­hinga ka ng ilang araw, ang bagong lakas mo ay muli mong gagamitin sa pagpa­parami ng kabuhayan. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-26-27-35-36.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page