Ex mo, Kris, tahimik lang… Kalat na: James at Michaela, November pa naghiwalay
- Beth Gelena
- Jan 31, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @jamesyap18
November last year pa lang ay nababalita nang naghiwalay na ang long-time live-in partner na sina James Yap at Michela Cazzola.
Pinagtitibay ng mga netizens ang conclusion na hiwalay na ang celebrity couple dahil last Christmas daw ay hindi kasama ng PBA cager ang kanyang mag-iina sa New York para ru’n mag-celebrate ng Pasko.
Ngayon, pagkatapos ng James Reid-Nadine Lustre breakup ay sina James at Michela naman ang isyu hinggil sa hiwalayan.
Wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig. Pero may mga posts pa rin silang magkasama sa kanilang mga social media account.
May nagsasabi na ayaw na lang daw nilang pag-usapan ang isyu dahil mas ibig nilang maging pribado ang kanilang buhay.
Knowing Michela nga naman na tahimik lang at hindi ma-showbiz, gayundin si James, kung totoo ngang ‘on the rocks’ ang pagsasama nila, may posibilidad pa na maayos nila ang problema.
Siguro, kailangan din muna nila ng space para makapag-isip ng mabuting solusyon sa kanilang family problem kung meron man.





Comments