MMFF movie ni Aga, super hit sa takilya… Boss Vic, tuwang-tuwa na pinalitan ni Bela si Nadine
- Rohn Romulo
- Jan 30, 2020
- 2 min read

Nakakapanghinayang talaga ang naging desisyon ni Nadine Lustre na magpa-release ng kontrata niya sa Viva Artists Agency.
Kahit kagustuhan niyang i-terminate na ang kontrata, sa press statement ng Viva, binding pa rin ito kaya nananatili siyang contract star. Kaya hindi na siya puwedeng tumanggap ng anumang project na walang permiso ng Viva at kung magmamatigas siya, kasama ang third party na makikipag-deal sa kanya ay may kakaharapin silang demanda.
May seven movies pa siyang nakatakdang gawin sa Viva Films, ayon mismo kay Boss Vic del Rosario sa ginanap na thanksgiving party for the press and bloggers nang i-launch ang Viva Vision 2020.
Nabawasan na sana ito ng isang pelikula kung tumuloy siya sa surprise 2019 MMFF hit na Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan nina Aga Muhlach at Xia Vigor. Tuwang-tuwa naman si Boss Vic na tinanggap ito ni Bela Padilla na pinuri sa kanyang mahusay na pagganap, kaya sa tingin niya ay mas nakabuti pang tinanggihan ni Nadine ang role.
Sana ay may mag-advise kay Nadine na kausapin muna ang Viva at alamin kung anu-ano ang plano ng ahensiya sa kanyang career. Ang hirap naman na maging frozen delight nang ilang buwan o taon.
Kung kailan pa pabongga nang pabongga ang mga projects ng Viva Films na mangyayari sa taong ito hanggang sa 2021 kung kailan ise-celebrate nila ang kanilang 40th anniversary, saka pa nangyari ‘yun.
Sa totoo lang, kasama si Nadine sa mga important stars ng Viva na binibigyan ng magagandang projects tulad ng Ulan at Indak last year. ‘Wag ding kalimutan ang Never Not Love You nila ni James Reid na nakapagbigay sa kanya ng tatlong Best Actress trophies.





Comments