Ex-misis ni Bossing Vic, kung todo-kuwento sa nakaraan nila… Coney, ayaw na ayaw nang pag-usapan si
- Nitz Miralles
- Jan 30, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Habang pinapanood ang trailer ng Love of My Life, naalala namin ang nabanggit ng isang direktor na new camera ang ginagamit sa taping ng teleserye. Kaya pala ang ganda at ang linaw ng cinematography ng teleserye at comment ng isang reporter, parang pelikula ang labas nito sa screen.
Kasama sa cast si Coney Reyes bilang si Isabella, ang mother nina Stefano (Tom Rodriguez) at Nikolai (Mikael Daez), a rich businesswoman na hindi pabor kay Adelle (Carla Abellana) for Stefano. Lalabas ang rason sa pagiging cold-hearted ni Isabella at makikisimpatya ang mga viewers sa kanya.
Samantala, sa interview kay Coney, maganda ang sagot nito nang matanong tungkol sa sinabi ni Dina Bonnevie patungkol sa kanya sa mediacon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
“That was nice of her, pero ‘wag na nating ungkatin ang nakaraan na almost 30 years ago pa nangyari. Tahimik na ang mga tao, nananahimik na sila sa mga asawa nila. Aren’t you happy for us, tumahimik na lang tayo,” reaksiyon ni Coney.
Sinabi ni Dina na si Coney ang rason sa pagiging Christian niya. Sagot ni Coney, hindi lang isang tao ang nakatulong kay Dina na maging Christian.
Doon naman sa naikuwento ni Dina na binigyan siya ng ensaymada ni Coney sa shoot nila (sa Station ID yata ng GMA Network), ang sagot ni Coney, “Like I said, ‘wag na nating ungkatin ang nakaraan.”





Comments