top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Blatche at Williams, ratsada sa Mighty Sports sa Dubai

Alvin Olivar
Jan 30, 2020
2 min read

Nakumpleto ng Mighty Sports-Creative Pacific Philippines ang sweep sa elimination round ng 31st Dubai International Basketball Championship matapos talunin ang Sports Club Beirut, 91-77, kahapon sa Shabab Al Ahli Club.

Nanguna sa atake ng Mighty Sports-Creative Pacific Philippines ang Fil-American na si Mikey Williams na gumawa ng 22 points upang makuha ang koponan ang 4-0 na kartada sa pagpasok nila sa quarterfinals.

Gumawa ng 20 points si Renaldo Balkman habang 14 points ang tinala ni McKenzie Moore para sa Mighty Sports-Creative Pacific Philippines.

Rumatsada ang Mighty Sports sa third quarter matapos malamangan ng isang puntos sa halftime. Umiskor ang Mighty Sports ng 33 points kumpara sa 17 ng Sports Club Beirut para masungkt ang 69-54 na kalamangan. Sa fourth quarter ay lumamang ang Mighty Sports ng 17 points, 78-61, upang tuluyan nang makuha ang panalo kontra sa Sports Club Beirut.

Babalik sa aksyon ang Mighty Sports-Creative Pacific ngayong araw para sa quarterfinal round kung saan sila ang top-seed sa Group B ng torneo.

Samantala, kamakalawa tinambakan ng Mighty Sports ES Rades, 84-66. Nagtipa ng 18 points, 13 rebounds, 5 assists at 3 steals si Andray Blatche upang pangunahan ang atake ng Mighty Sports-Creative Pacific Philippines para sa kanilang pangatlong panalo sa kompetisyon matapos talunin ang koponan mula sa Tunisia.

Gumawa rin ng 18 points at 6 rebounds si Balkman habang nakakuha rin siya ng tulong sa mga locals na si Thirdy Ravena at Juan Gomez De Liano. “I’m happier this time because two of our local standouts finally showed what they are capable of,” wika ni Mighty Sports-Creative Pacific team owner Alex Wongchuking.

Samantala, inialay din ng Mighty Sports-Creative Pacific ang panalo sa Los Angeles Lakers legend na si Kobe Bryant na nasawi noong Lunes kasama ng kanyang anak na si Gianna at siyam na iba pang katao dahil sa isang chopper crash malapit sa Los Angeles.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page