Bacoor, Pampanga at Pasay, petmalu sa MPBL

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Ipinagpatuloy ng Bacoor, Pampanga at Pasay ang kanilang pananalasa sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season, Martes ng gabi sa Cuneta Astrodome.
Pinalawig pa ng Bacoor Strikers ang kanilang homestretch para lupigin ang Bulacan Kuyas, 78-76, at iposte ang ika-8 straight win. Sa kabilang banda, nakapagtarak ang Pampanga Giant Lanterns ng 16 puntos na kalamangan hanggang sa 88-77 na panalo kontra Cebu sa anim na sunod.
Sa iba pang laban, walang-lingon likod na nagwagi ang Pasay Voyagers, 79-61 kontra Makati Super Crunch para sa ikatlong sunod na panalo. Sa hawak na 23-5 record, nakatiyak na ang Strikers ng top two finish sa South division at nakadikit na sa Davao Occidental Tigers (22-4).
Umiskor si Michael Mabulac ng 5 habang si Dennis Canete ay nagdagdag ng 3 upang bitbitin ang Strikers sa tuktok ng standings, 74-71.





Comments