top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mula nang kumalat ang relasyon kay Jeric… Sheryl, nagmukhang bata na, todo-paseksi pa

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Mas gumanda, bumata at sexy na Sheryl Cruz ang nakita namin na dumalo sa 70th birthday ng family friend nilang sina Gisio at Noel See, ang kambal na pare­hong successful businessman.

Nasa nasabing party din ang Movie Queen na si Ms. Susan Roces at masaya silang nagtsikahan ng pamangking si Sheryl. Ka-table rin nila ang magaling na singer na si Dulce.

Nagsilbing host ng celebration sina John Nite at Sharmaine Santiago. Dinu­mog ng mga guests sa party sina Susan at Sheryl para makapagpa-selfie.

Biniro namin si She na sa porma ng katawan niya ngayon, puwede na siyang magsuot ng two-piece bikini. Dalagang-dalaga ang hitsura ngayon ni Sheryl at hindi na kami nagtataka kung bakit nali-link sa kanya si Jeric Gonzales, ang leading man sa seryeng Magkaagaw.

Ayon kay She, malaki ang nabawas sa kanyang timbang sa tulong ng kan­yang fitness coach na si Paulyn Quiza, ang non-showbiz girlfriend ni Polo Ravales. Kinarir daw talaga niya ang magpapayat para sa kanyang kalusugan.

Well, dahil blooming and sexy nga­yon si Sheryl, hindi kami mag­tataka kung may mga mag­papa­ramdam na guys sa kanya. She’s legally single na puwede nang ma­kipagrelasyon at mag­pakasal. Deserve rin naman niyang magka­roon ng love life tulad ng pinsan niyang si Sunshine Cruz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page