Lambingan nila ng mister, 'wag na raw i-post sa socmed… Ai Ai sa netizen: Wala kang pakialam!
- Ronalyn Seminiano
- Jan 29, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @msaiaidelasalas
Binuweltahan ni Ai Ai delas Alas ang mga bashers at sinabihan pa niya ng “tarant*do” dahil sa sobrang inis.
Ipinost kasi ng Comedy Queen sa kanyang Instagram account ang piktyur ng sweet handwritten message ng mister niyang si Gerald Sibayan.
Mensahe ni Gerald para kay Ai Ai, “Ito na po ang breakfast mo darling. I LOVE YOU so much. GOOD HUSBAND. Darl.”
Caption ni Ai Ai, “Good morning — thank you LORD sa blessing na ito.. [smiley emoji] #geraldgoodhusband”
Komento ng netizen na may username na @brie5858, “Why need to post this? You could try to leave something private in your lives to yourselves.”
Mabilis binuweltahan ni Ai Ai ang netizen. Aniya, “@brie5858 ang inggit nakamamatay ‘yan. Magbago ka na!!!.. IG ko ‘to at kahit ano’ng i-post ko, wala KANG PAKIALAM..
“Maglagay ka muna ng picture at magtrabaho ka para makatulong ka sa bayan hindi ‘yung bash ka ng bash!!!!!! Kaya hindi ka umuunlad kasi ‘yan ang gawain mo.”
Nakisali rin si Gerald sa comments section. Sabi niya sa netizen, “@brie5858 ‘wag maiinggit okay.”
Nag-reply ng “Ok” ang basher at muling reply ni Ai Ai, “@brie5858 hindi ok!!!!! Magtrabaho ka!!!!! Para makatulong ka sa pamilya mo!!!!!!!!”
Sey naman ng isang supporter ng Comedy Queen na may user ID na Kingsnorlax, “@brie5858 ano ka ngayon? Hahaha, paepal ka, eh. Eh, di nakabasa ka ng hindi maganda tungkol sa ‘yo, hahaha!”
Dito na mas umanghang ang salita ni Ai Ai. Aniya, “@kingsnorlax agaga tarantado kasi ‘yang mga basher na ‘yan… marami nang sinirang buhay ‘yang mga ‘yan. Dapat ‘yan pinapakain sa lava tutal wala namang magandang kontribusyon sa lipunan kundi manira ng kapwa.”
Sa panahon ngayon, lalong dumarami ang mga social media trolls. Paalala lang, mga ka-BULGAR, meron na tayong Cybercrime Law kaya hinay-hinay sa mga ikino-comment at ipino-post sa social media. ‘Ika nga, think before you click.





Comments