'Di na nakatiis, sumabog na, Kiko… Sharon, ibinulgar na niloko ng taong mahal niya

Lubhang apektado pa rin si Sharon Cuneta sa panlolokong ginawa sa kanya ng taong ayaw naman niyang i-divulge kung sino.
Sa recent Instagram post ni Megastar ay ipinahayag niyang ipinagdarasal niyang kunin na siya ni Lord kung wala rin lang siyang asawa’t anak dahil ayaw naman daw niyang makapatay.
Bagama’t wala ngang detalye tungkol sa panloloko, nagbigay naman siya ng clue na hindi ito employee or co-worker kaya you can easily guess na puwedeng a dear friend ito or a very close relative/family na sobra niyang pinagkatiwalaan.
“My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.’ Now I add: ‘If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.’
“God, please help me to forgive. Such a betrayal. The kind na ayaw mo makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idarasal ko na lang na kunin na ako ng Panginoon sa sakit.
“And this, btw, is not an employee or a co-worker. And this is hopefully the last time I will have to vent and post about this,” ang nilalaman ng buong post ni Shawie.
Marami namang nagbigay ng words of encouragement and prayers sa kanya na sana’y malampasan niya ito at kabilang na ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos who replied, “Always here for you ate…”
May mga nagkomento rin na lagi na lang daw itong nangyayari kay Mega simply because sobra siyang mapagtiwalang tao.





Comments