top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bukod sa iniwan din sa stage… Julia, dinaanan lang si Joshua, dinedma pa kahit inalok na ng upuan sa

Julie Bonifacio
Jan 29, 2020
2 min read

Isa sa mga fave namin ngayon ang batang direktor na si Mikhail Red kaya ‘di namin pinalampas ang premiere night ng latest film niya from Star Cinema, ang Block Z.

We cannot afford to miss Block Z kasi after nito, eh, baka matagalan pa bago kami ulit makapanood ng kasunod na local film ni Direk Mik.

Sa huli naming panayam sa kanya, malapit na o baka umpisahan na niyang gawin ang isang serye na ipapalabas sa HBO. Isa ito sa mga pangarap ni Direk Mik, ang makapag­direk ng proyekto sa ibang bansa. At dahil serye ‘yun, mukhang sa U.S. muna mananatili nang ilang buwan ang direktor.

But at the same time, may binanggit siya sa amin na may isa siyang Pinoy film na gagawin and he commissioned the award-winning scriptwriter na si Ricky Lee para isulat ang script.

It’s about the Luneta/Manila Siege kung saan na-hostage pati ilang tourists sa loob ng isang bus na ipinarada sa harap ng Quirino Grandstand sa Luneta.

Keri rin namang magsulat ni Direk Mik. Halos lahat yata ng pelikula niya na umani ng award, siya ang nagsulat. But this Luneta/Manila Siege kasi, inamin ni Direk Mik na kailangan ng mas mature sa kanya na pag-iisip, kaya ini-request niya na si Maestro Ricky Lee ang magsulat ng script nito.

Going back sa premiere night ng Block Z, hala­tang-halata ang tensiyon na nama­magitan sa dala­wang bida at dating mag­syota na sina Jo­s­hua Garcia at Julia Barretto.

Hindi na namin nakunan ang eksena nu’ng pagdating nila sa red carpet at pag-akyat sa stage na isinet-up sa lobby ng SM Megamall Cinema. Pero may isang blogger na nagkuwento sa amin na obvious daw ang “pag-iwas” ni Julia kay Joshua habang nasa stage. At sa huli, iniwan pa raw ni Julia si Joshua sa stage.

Then, sa loob ng sinehan ay nakunan din namin ng video ang dalawa habang hi­nahanap ang seats nila bago mag-umpisa ang screening. Nauna si Joshua na maka­pasok sa aisle at nakita agad ang kanyang seat.

Maya-maya pa ay puma­sok na rin sa aisle si Julia kasunod ng isa pa sa cast ng Block Z na si Maris Racal. Dinaanan lang niya si Joshua at ni hindi tumingin kahit pa inialok na ng aktor ang bakanteng upuan kasabay ang pag-alalay sa kanya.

Samantala, todo-suporta naman kay Julia sa premiere night ang kanyang equally-controversial mom na si Marjorie Barretto and the rest of her family members.

In fairness, may gulat, scary at mae-excite ka talaga sa Block Z. Kulang na lang, pati ang audience ay tumakbo palabas ng sinehan sa takot na baka may biglang lumitaw na zombie sa loob.

Say ng ibang bloggers, kung ipinalabas daw ang Block Z nu’ng last Metro Manila Filmfest ay baka ito pa ang itinanghal na top-grosser.

O ‘di kaya ay isali na lang sa summer MMFF na magaganap sa month of April. Akma raw na ipalabas ang Block Z dahil ang opening day ng summer festival ay sa Black Saturday.

Ganern?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page