Bryant fans, nag-tribute Lebron, shocked at nagluksa
- MC
- Jan 29, 2020
- 2 min read

Nakapagsalita na rin si LeBron James mula sa halos isang araw na pagkaka-shocked, mula nang sumapit ang malagim na trahedya sa bestfriend niyang si Kobe Bryant, aniya, “heartbroken and devastated” siya.
Sa madamdaming Instagram post, nagluluksa si James para sa pagyao ni Bryant at ng kanyang 13-anyos na pangalawang anak na babae na si Gianna na kasama niyang namatay sa helicopter crash sa Los Angeles noong Linggo (Lunes sa Manila). “I’m sitting here trying to write something for this post, but every time I try, I begin crying again just thinking about you, niece Gigi, and the friendship/bond/brotherhood we had,” mabigat sa loob na pahayag ni James. “I literally just heard your voice Sunday morning before I left Philly to head back to LA,” dagdag niya.
Naulat pang tumawag si Bryant kay James matapos na magwagi ang Los Angeles Lakers kontra Philadelphia 76ers, nang mabalitaan niyang nalampasan na ni James ang record ni Bryant para malagay sa third place sa NBA scoring list. Nakasaad sa huling tweet ni Bryant kay James ang pagbati sa “King.” “Continuing to move the game forward… much respect, my brother,” ayon kay Bryant. Nagpadama ng pagmamahal si James kay Bryant at nangako na ipagpapatuloy ang kanyang legacy. “You mean so much to us all here, especially Lakers Nation. It’s my responsibility to put this sh*t on my back and keep it going,” dagdag niya. “Please give me the strength from the heavens above and watch over me.” “I got us here.”
Nagretiro si Bryant, 41 noong 2016 matapos ang 20-year career sa Lakers. Nagwagi siya ng five championships at MVP, dalawang Finals MVP. Pito pang iba pa ang nasawi sa chopper crash kasama ang Filipina-American coach. Ang half-Filipina basketball coach na 38-anyos ay si Christina Mauser, ang coach ng Mamba Academy kung saan si Bryant ang co-owner nito, ayon sa pinsan niyang si Melanie Ramil.“We are beyond heartbroken,” ani Ramil sa Facebook. Nagluluksa ang mister ni Mauser na si Matt at ang naiwang 2 anak sa sinapit na trahedya. ”We lost our beautiful wife and mom,” aniya sa kanyang Facebook post.
Samantala, nagdaos naman ng tribute ang libu-libong Pinoy fans ni Bryant sa Araneta Coliseum kahapon. Binuksan ang tribute wall sa Big Dome bilang paggunita sa dalawang jersey no. 8 at 24 sa paglalaro ng basketball. Isang mural ang iginuhit sa larawan ni Kobe sa isang binuksan na basketball court sa Taguig.





Comments