AU Chiefs, kampeon sa NCAA 3x3 U-24 Division

Photo: Abs-cbn Sports
Matapos ang isang puwedeng kalimutan na ipinakita sa Seniors Basketball, bumawi ang Arellano University sa pamamagitan ng pagkamit ng kampeonato sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 3X3 Tournament Under-24 Division noong Linggo sa Jose Rizal University Gym.
Tinalo ng Chiefs ang Emilio Aguinaldo College para sa korona, 21-12.
Bumida si Raymart Angelo Sablan para sa Arellano na may walong puntos, kasama na rin ang buslo na nagwakas ng maaga sa laban.
Ang mga kakampi ni Sablan ay sina Rookie of the Year at Defensive Player of the Year Justin Arana, Jordan Sta. Ana at Alfren Gayosa.
Samantala, pinatibay ng San Beda University-Rizal ang kanilang katayuan bilang pinakamahusay na programa sa Juniors matapos iuwi ang dalawang tropeo.
Nagwagi ang Red Cubs kontra University of Perpetual Help System-Dalta sa Under-18 Division, 15-8, at sa San Sebastian College para sa Under-15 Division, 19-9.
Ang mga manlalaro ng Under-18 Red Cubs ay sina Sebastian Valencia, CJ Delfino, Nicael Cabanero at Wilmar Oftana.
Ang mga Under-15 Red Cubs ay sina Prince Alao, Nathan Victoria, Jharmaine Lecciones at John Elbert Lopez.
Ang 3X3 ay tatlong taon nang nilalaro sa NCAA bilang demonstration event. Dahil dito, hindi kasama ang resulta sa talaan para sa pangkalahatang kampeonato sa katapusan ng taon.





Comments